Hindi itinuro sa school kung paano maghandle ng pera. Hindi din tayo tinuruan ng mga bagay paano mapalago ang ating kabuhayan. Natutunan na lamang natin ang mga ito sa field, sa ating buhay na kung saan ang iba pa nga we taught them the hard way. Sa ating kasalukuyang panahon, kung saan napakarami n ng ating resources para matuto ng mga ganitong bagay, mahalagang alam natin ang mga taong makakapagbigay sa atin ng mga magagandang aral. Mga aral kung paano natin laruin ang ating finances at makawala sa cycle ng buhay na tinatawag nating rat race. Ilan sa kanila ay naging passion na ang magturo, ang iba naman naging libangan na ang magshare ng mga aral tungkol dito base sa kanilang sariling karanasan. Ngaun ay pagusapan natin ang sampu sa pinakapaborito kong youtube channels kung saan maaari kang matuto mula sa kanilang sariling karanasan hanggang sa karanasan ng mga taong kanilang nakakausap at nakakasalamuha. Sila din ay nagtuturo ng mga tips and tricks paano makapagipon, mga business ideas at iba pang mga bagay na kung nakatulong sa’kin, my hope is for you to learn from them too.

Chinkee Tan na mas kilala sa tawag na Chink Positive

Sikat na iponaryo, sya ay nagtuturo ng mga investment opportunities, ipon at tipid tips at nagbebenta ng mga courses paano mapalago ang iyong kasalukuyang pamumuhay. Isa din syang from rugs to riches na nagsimula sa murang edad. Author sya ng walong best selling books, isang financial educator at businessman. Isa din syang radio and tv personality. Bukod sa kanyang youtube channel, mayroon din syang website at facebook page kung saan umiikot ang mga impormasyon tungkol sa kanya at sa kanyang mga business ventures.

Janitorial Writer

Isa sya sa may pinakamaraming followers sa Facebook at youtube at isa sa mga naunang content creators na nagtuturo tungkol sa Financial literacy, Success stories, motivational stories at personal development. Ang approach nia sa umpisa ay basic whiteboard animation hanggang sa naging mas complex animation para sa mas engaging experience ng mga viewers na tlaga namang nagwowork. Sa katunayan, he is getting so close to 1M subscribers dahil jan. Isang aral mula sa kanya na hanggang ngaun ay binabalikbalikan mula sa isa sa kanyang mga videos ay “Failure is the key to success, each mistake teaches us something”.

Wealthy Mind Pinoy

Si Wealthy Mind Pinoy ay nagumpisang gumawa ng mga videos tungkol sa personal finance at paano maging successful gamit ang whiteboard animation approach noong June 2, 2020 bagaman ang kanyang channel ay ginawa noon pang March 21, 2020. Sa kasalukuyan isa sya sa may pinakamaraming subscribers sa ganitong niche dito sa Pilipinas at nanatiling hindi kilala ang tunay na identity nito. Gayunpaman, isa sya sa mga hinahangaan pagdating sa mga money lessons na kahit si Chinkee Tan ay napabilib nito.

NICOLE ALBA

Sinong mag-aakala na ang 21 years old ay nagtuturo na ng tungkol sa finances. Ibig sabihin, nagsimula syang matuto at magshare ng kanyang mga nalalaman tungkol sa personal finance, investing, self-develpoment sa murang edad. Ang kanyang first video sa youtube ay inupload lamang noong May 11, 2020 subalit sa dami ng magagandang aral mula sa kanya, mabilis itong lumago at sa kasalukuyan nga, sya ay mayroon ng 396k subscribers. Imagine sa ganitong edad, sa loob lamang ng maikling panahon, namaster n nia paano palaguin ang sariling finances, how much more taung mas marami ng karanasan pagdating dito. Kaya kung ang excuse mo ay wala kang oras para dito, I suggest bisitahin mo ang kanyang channel para mainspire ka at mahiya sa mga excuses mo.

Money Growers Ph

Ang channel naman ni MoneyGrowersph ay tungkol sa trading sa stock market. Kung ito ang isang bagay na gusto mong pag-aralan, marami syang mga videong nagtuturo paano kumita sa stock market hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging stocks sa ibang bansa. Isa din syang motivational speaker at kilala bilang si Sir Akio. Nagbebenta din sya ng mga courses tungkol sa trading sa kanyang website.

Vince Rapisura

Isa sa mga pinakapaborito kong puntahan ang channel ni Vince Rapisura. Bukod kc sa mga money tips, more on local investment kc ang kanyang ibinabahagi tulad ng paano mapalaki ang pension sa SSS, mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa Pagibig MP2 at maging mga local cooperatives. Madalas din syang maginvite ng mga speakers na may higit na mas malawak na kaalaman sa mga bagay na ito. Maari ka ding magtanong sa kanyang mga live streaming.

Doc Gigi Sunga

Si Doc Sunga ay nagsimula sa youtube noong March 20, 2017 at nagupload ng kanyang first video noong April 25, 2017. Ang kanyang channel ay nagtuturo kung paano mo babaguhin ang iyong buhay to be more successful at yumaman. Mas marami syang aral tungkol sa business ideas at how to become a successful entrepreneur. Sa pagkakaalam ko, base sa kanyang mga videos, sya ay dating guro turned businesswoman. Sya din ang CEO at founder ng The Rockstar Holding Corporation, isang self-build company na affiliated at may shares sa iba’t ibang businesses dito sa Pilipinas. For more information about this, may link sa description.

Charm De Leon

Si Charm De Leon ay halos kapareho ni Nicole Alba na sa murang edad ay napakalawak na ng kaalaman tungkol sa personal finance, entrepreneurship at adulting how to’s. Isn’t it ironic na kung sino pa ang mas bata satin ay sila pa ang nagtuturo paano maging adult? Isa itong wake up call satin dahil una sa lahat, sa tagal na nating nagtatrabaho, sa dami na ng dumaan sa ating pera, bakit hindi pa din tau successful? Visit her channel para mainspire ka na umpisahan na ang mga noon ay plano mo lamang.

Joyce Yeo

Si Joyce ay nagmamayari ng laundry business at isa ito sa madalas na shinishare nia sa kanyang mga videos. Isa din syang business coach na nagtuturo ng marketing maging social media marketing. Ang kagandahan ng kanyang content ay napakalawak nito. Mula nga sa laundry business hanggang sa Lazada, shopee, dropshipping, RTWs at maging sa real estate. Kaya kung isa ka sa mga taong hindi pa makapagdecide kung anong business ang gusto mong pasukin, you can check her channel in the description.

Invest And Up

Lately ko na nakilala si Invest and Up. Hindi man ganun kalaki ang kanyang youtube channel, ang facebook page naman nia ay may huge following na mahigit na 300,000 sa ngayon. Sa pagkakaalam ko base sa kanyang mga videos, dati syang OFW na nagfor good na dito sa Pilipinas at talaga namang kapupulutan mo ng aral ang kanyang mga contents. Mayroon din syang blogsite kung saan nagshishare sya ng mga free ebooks tungkol sa personal finance, money management at business ideas.

Bukod sa sampung ito syempre nandito tau, ang Filipino Success. Layunin din ng ating channel tulad ng sampung nabanggit natin kanina ay magshare ng mga financial tips, business opportunities na may core objective na matulungan ang ating mga kababayan na makaahon sa kahirapang patuloy na gumagapos sa karamihan sa atin, makalaya sa cycle ng buhay na isang kahig isang tuka. Kaya kung di ka pa nakasubscribe, please do with notifications on, or khit manuod kn lamang sa ating mga videos. Ang mahalaga sa akin ngaun ay magkaroon ka ng inspirasyon at keep that fire burning sa puso mo na maniwala na magiging successful ka.
SHARE 0 comments

Add your comment

Visit Our Youtube Channel

© Filipino Success · Designed by rrubion