8 SIGNS NA MATALINO KA SA PERA

in , , by R. Rimblert, Nobyembre 08, 2022

Isa ka ba sa mga taong madalas nagtatanong sa sarili kung marunong ka nga ba talagang humawak ng pera? O gusto mo bang malaman kung matalino ka sa pera? Kung ikaw ay may mga katangiang mababanggit natin sa videong ito, binabati kita dahil isa ka sa mga taong malapit ng yumaman. Ngayon ay paguusapan nga natin ang walong senyales kung magaling o matalino ka sa pera.

1. MAY STEADY INCOME KA

Kung matalino ka sa pera never ka nawalan ng steady income o trabaho anoman ang sitwasyon mo sa buhay. Hindi mo hinahayaang dumaan ang mga araw, linggo o buwan na tambay ka lamang at naghihintay ng ayuda. Madiskarte kang tao at ang isip mo ay puno ng ideas paano mo mas mapapalago pa ang iyong income. Isang halimbawa ay noong pandemic, lahat ay tumigil at marami ang nawalan ng trabaho. Maaaring isa ka rito, pero hindi ito nagging dahilan para tumigil ka, bagkus naghanap ka ng ibang raket.

2. NAGBABUDGET KA

Hindi ka mahilig gumastos ng hindi nagiisip. Bago ka magbitaw ng pera ay planado mo na ang mga bagay kung saan ito pupunta. Bago pa dumating ang katapusan ng buwan kung kelan ka sasahod, nakalista na lahat ng mga bagay na pupuntahan nito. Pinagiisipan mong mabuti ang mga bagay na pinagkakagastusan mo at natatrack mo lahat ng papasok at palabas na pera mo. Kung sa ngaun ay hindi kp nagbabudget, iniencourage kita na simulan ito. May free printable budget journal tau, ito ang link na maaari mong gamitin para umpisahan ang habit na ito. I guarantee, you will never be in the same situation sa susunod na taon.

3. HINDI NAGOOVERDUE ANG MGA BILLS MO

At dahil nga marunong kang magbudget, as soon as mahakawan mo ang income mo, hindi mo na ipinapagpaliban pa ang pagbabayad ng mga bills mo. Naiintindihan mo ang kahalagan ng maliit na penalty fees sakaling mamiss out mo ang due dates ng mga ito. Bukod pa jan, hindi ka nangungutang ng hindi mo kailangan. Para sau “ You don’t spend, when you can’t afford”.

4. AFFORD MO ANG MGA GUSTO MONG BILHIN

At dahil matalino ka sa pera, afford mo ang mga bagay na gusto mo. Subalit hindi ito dahilan na binibili mo ang mga ito. Malalim ang pangunawa mo sa pagkakaiba ng gusto at kailangan. Para sau “just because you can afford, doesn’t mean you would buy”. Empty din ang shopping cart mo sa shopee at Lazada para mas less ang temptations mo sa mga bagay na minsan ay impulsive needs lamang.

5. MAY EMERGENCY FUND KA

Matalino ka sa pera kung may emergency fund ka. Lubos mong nauunanawaan na hindi tiyak ang bawat oras at pinaghahandaan mo ang mga worst case scenario na maaring mangyari. Mga pagkakataong maaari kang magkasakit, mga mahal mo sa buhay, mawalan ka ng trabaho, masunugan, bahain, para kang isang langgam na nagiimpok para sa tag-ulan. Hindi ka natatakot mawalan dahil alam mong handa ka.

6. NAG-IIPON KA

Bukod sa emergency fund, may savings ka din. Matalino ka sa pera kung may constant allocation ang income mo na may kasamang emergency fund, savings at investment. Sa pagiipon, madalas mong tinatabi ang perang sa iba ay sa luho lamang napupunta. Kung wala ka pang ipon sa ngayon, ok lang yan, ang mahalaga ay may desire ka na makapagipon at eventually subukan mong umpisahan ito. Alam mo bang ang 500 pesos na savings sa isang buwan, sa loob ng isang taon ay may 6000 pesos ka? Oo maliit pero ang mahalaga nakapagtabi ka.

7. NAG-IINVEST KA

Ang investment ang isa sa pinakachallenging na habit ng mga taong matalino sa pera. Hindi kc lahat ay meron nito dahil isa ito sa mga hindi naituro sa school. Subalit, matalino ka sa pera kung ang bagay na ito ay natutunan mo base saung sariling research. You constantly find ways to increase your income streams at isa nga jan ay ang pagiinvest. Marami kang alam na investment opportunities at inaaral mo sila. Hindi ka basta basta sumusugal sa hindi mo alam ang risk. Hindi ka mabilis magoyo ng mga pekeng investment schemes dahil nauunawaan mo how money works.

8. KAYA MONG KONTROLIN ANG EMOSYON MO

Sinsabing ang mga madalas yumayaman ay marunong magkontrol ng kanilang mga emosyon. Maraming mga pagkakataon na susukatin ang emosyon mo pagdating sa paghandle ng iyong finances. Mga taong mapagsamantala, mga networking scams, mga nangungutang na hindi marunong magbayad, mga too good to be true na investments scams, pagsakay sa papataas na stock trading, at marami pang iba, kung ikaw ay matalino sa pera, firm ka at alam mo ang risk ng mga bagay na ito.

Ngayon, ilan sa mga nabanggit ang meron ka? Kung wala pa, ayos lamang yan sa ngayon pero wag mong hahayaan na lumipas ang mga araw na wala kang ma-adapt sa walong senyales na nabanggit natin. Everyday is the best day to start over. 

In summary, ang walong senyales na matalino ka sa pera ay 

1. MAY STEADY INCOME KA

2. NAGBABUDGET KA

3. HINDI NAGOOVERDUE ANG MGA BILLS MO

4. AFFORD MO ANG MGA GUSTO MONG BILHIN

5. MAY EMERGENCY FUND KA

6. NAG-IIPON KA

7. NAG-IINVEST KA

8. KAYA MONG KONTROLIN ANG EMOSYON MO

SHARE 0 comments

Add your comment

Visit Our Youtube Channel

© Filipino Success · Designed by rrubion