Masarap isipin na marami ng mga Pilipino sa ngayon ang conscious sa kanilang financial life. Bagaman marami na sa atin ang alam ang importance ng pagbibuild ng wealth at pagpaplano sa future, ang pagsisave ng pera ay nananatiling struggle lalo na sa mga minimum wage earners. Kaya naman ngaun ay ibabahagi ko sa inyo ang ilang tips on how to get you started sa’yong financial journey.

Maaaring impossible talaga na makapagipon para sa future at isakatuparan ang iyong goal kung ang kinikita mo ay kulang pa sa pang-araw araw mong gastusin. Masasabi mong khit gaano pa kalawak ang kaalaman mo sa pagmamanage ng iyong finances, impossible kp din makapagipon.

Ayon sa The National Baseline Survey on Financial Inclusion ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) apat lamang out of 10 Filipinos ang may savings. Kaya naman mas marami sa atin ang kinakabahan sa twing may mga calamities, emergencies, mga karamdaman at iba pang mga pangyayaring hindi tiyak dahil sa wala taung naitatabi para dito.

At habang ang pagkakaroon ng maliit na income ay isang factor kaya tau nahihirapan makapagipon, hindi ka pa rin dapat mawalan ng pag-asa. Dahil may mga minimum wage earners pa rin ang nakakapagtabi ng kahit kakaonting halaga gamit ang ilang tips na isishare ko sa inyo ngaun. Pero bago ko simulan ito, isa sa mga tips paano makapag-ipon ng mabilis ay ang pagfollow sa ating blog. Subscribeto our newsletter para wla kang mamissout sa mga bago nating posts. Kaya kung ready ka na? Let’s go!

1. Monitor your expenses

Alamin kung saan napupunta ang pera mo. Ilista ang mga biggest expenses at itrack ang mga unnecessary purchases. Ang mga simpleng habits tulad ng sa halip magluto eh mas pinipiling bumili na lng ng lutong pagkain o food deliveries ang isa sa mga bagay na dapat mong bantayan dahil isa ito sa nagkoconsume ng income mo. Kung ang mga ganitong habit o gastusin ay maiiwasan o maeeliminate mo, ang perang gagastusin  mo dito ay maaari mong maitabi.

Maraming paraan para mamonitor mo ang iyong expenses. Maari mo itong isulat sa isang notebook o gumamit ng mga apps sa iyong phone. Sa tulong ng mga apps para macalculate mo ang iyong expenses, mas magiging madali ang pagsisave dahil nakikita mo kung saan napupunta ang pera mo.

2. Budget

Ikontrol mo ang iyong expenses by setting a budget. Mas makakatulong kung ikacategorize mo ang iyong expenses base sa’yong priorities at iidentify ang mga kailangan at hindi kailangan. Sa ganitong paraan, mas madaling mag-allocate ng pera kung ano ang higit na kailangang paggastusan. Through proper budgeting, magiging madali din ang pagkontrol ng mga expenses at mga bagay na maaari mong isakripisyo tulad ng luho, bisyo at iba pa. Sa madaling salita, hiindi ka gagastos ng hindi kailangan.

3. Reduce the biggest expenses

Ano ba ang pinakamalaking pinagkakagastusan mo? Ito ba ay ang pamasahe, gas, rent sa bahay, o kuryente? Mahalagang alam mo ang paraan para icutdown ang ganitong biggest expenses mo kada buwan. Halimbawa, nagrerenta ka lng din naman eh malayo pa sa trabaho mo. Baka pwede mong iconsider na lumipat sa mas malapit sa trabaho para mas makatipid ka sa gas o pamasahe. Kung ikaw ay nakacondo, baka pwedeng mag-apartment ka muna, kung ang aircon mo ay 24/7 naka-on, baka pwedeng sa gabi lng muna. Mga bagay na maaari namang iadjust pero mas pinipili nating ineglect dahil kaya mo pang bayaran kahit na nangangahulugang pa itong hindi ka makapag-ipon.

4. Pay-off debts

Para maumpisahan mong mag-ipon, mahalagang isettle mo muna ang iyong mga utang lalo na yung may matataas na interest. Bayaran mo ang mga personal loans kung meron man, credit cards bill on time para maeliminate mo ang malaking late payment charges. Gumawa ka ng plan kung paano mo mabayaran ang lahat ng ito. Gawin mong goal ang debt free. Kapag wala kang utang na binabayaran, mas possible kang makapagipon.

5. Explore opportunities to earn more

Tulad nga ng kanina pa nating nababanggit, kapag minimum wage earner ka, mahirap talaga makapagipon. Kaya para magkaroon ka ng iba pang mapagkakakitaan, try to explore other opportunities. Ang freelancing ang isa sa pinakapopular na sidehustles ng marami na maaari mo ding pagaralan. Maraming online paltforms ang pwede mong magamit para makakuha ng freelancing job. Isa ding option ay ang pagsisimula ng small business khit nsa bahay ka lang. Isa sa mga side hustles ko ay ang pagbebenta ng course online at mga printable items sa etsy. Ang kinikita ko sa mga ito ay naiipon ko na. Kaya kung gusto mo talagang makapagipon, maraming paraan. Tulad nga ng palagi nating naririnig, pag gusto may paraan, pag ayaw, maraming dahilan.

6. Avoid bank fees

Ang pagiipon ng pera sa bangko ang isang paraan para makontrol mo ang iyong expenses. Nakakatulong ito para maiwasan natin ang mga unplanned expenses dahil medyo hassle din ang pagwiwithdraw. However, may mga disadvantages din ito tulad ng fees and or charges. May mga accounts na nagrerequire ng minimum balance, may iba naman na may annual membership fees at iba pang mga bank fees na hindi tau aware. Mahalagang bago ka magipon sa bangko ay alam mo ang mga ito.

7. Stay healthy

Hindi mo dapat dinidisregard ang healthcare dahil mahal magkasakit. Bagaman maaring maging added expenses mo ito lalo na at ikaw ang nagbabayad ng iyong health insurance, maaari mo namang maiwasan ang higit na mas malaking expenses kapag ikaw ay nagkasakit. May iba pa ding paraan para maiwasan ito tulad ng pagkain ng healthy foods, matulog sa tamang oras, magexercise at iwasan ang bisyo tulad ng alak at sigarilyo. Sa ganitong paraan, bukod sa mas makakapagipon ka, mas mamamaximize mo pa ang iyong full potential dahil healthy ka.

Kung ikaw ay nahihirapang magipon dahil hindi sapat ang kinikita mo sa ngaun, wag mawalan kang mawalan ng pag-asa. Maaaring mahirap sa ngaun pero kung uumpisahan mong gawin ang pitong ating nabanggit, sigurado akong makakapagtabi ka kahit kakaonti.

In summary, ang pitong paraan para makapagipon ka khit minimum wage earner ka ay ang sumusunod:

Monitor your expenses

Budget

Reduce the biggest expenses

Pay-off debts

Explore opportunities to earn more

Avoid bank fees

Stay healthy

Lagi nating tandan na “It is not your salary that makes you rich, it is your spending habits”. 

SHARE 0 comments

Add your comment

Visit Our Youtube Channel

© Filipino Success · Designed by rrubion