Para magtagumpay sa buhay, mahalagang magkaroon tayo ng tamang kaisipan dahil kung ano ang iniisip mo, yun din ang mangyayari sayo. Law of attraction kumbaga. Ang pagbabago sa mga simpleng habits natin sa araw araw, sa mga paraan paano tayo nagiisip, mga kilos at maging ang pakikitungo sa ibang tao ay may derektang epekto sa kung magiging sino tayo sa hinaharap. Mahalagang ang lahat ng yan ay nagsisimula sa kung paano tayo nagiisip. Kapag ang mindset mo kasi ay positibo, maging kaugalian mo towards to many things in life ay magbabago din. Sa taong 2023, dahil pinapanuod mo ang ating video, umaasa akong mabago nito ang buhay mo. Paano mo tinitingnan ang mga bagay at anu-ano ang mga ginagawa mo ngayon para magtagumpay.
1.
Self-Confidence
To do great things, mahalagang may tiwala ka sa sarili mo. Hindi
mo makakayang kumanta ng isang piyesa sa harap ng maraming tao kung wala kang
tiwala sa boses mo. Magagawa mo lamang ang mga bagay na gusto mo kung ikaw
mismo ay maniniwala sa sarili mo na kaya mo. Kilala mo kung sino ka,
limitasyon, talent, disiplina, skills at mga bagay na meron ka na makakatulong
sau para magtagumpay. Kung gaano kasi kataas ang self-confidence mo, madalas
nagrereflect ito sa positive outlook sa buhay. Binibigyan ka kasi nito ng sapat
na lakas ng loob para magtake ng risks at pagtagumpayan ang mga kabiguan sa
buhay dahil alam mo sa sarili mo na eventually, kaya mong maabot ang mga goals
mo.
2.
Clear Goal
Mahalagang hindi basta na lamang goal ang meron ka. Dapat specific
ito para specific din ang mga actions mo para maabot ito. Halimbawa, goal mo sa
2023 ay makapagbukas ng maliit na negosyo. Kung pagiipunan mo ang capital na
kailangan mo, magkano ito at ano ang mga paraan mo para makapag-ipon. May
trabaho ka, side hustle tapos rumaraket ka din twing weekend. Specific, in
consideration ng mga limitasyon mo tulad ng oras, skills na meron ka, lakas mo
at resources mo.
3.
Patience
Ang maliit na pagbabago pag pinagsama-sama mo ay may malaking
impact sa kung ano ang meron ka. Isang halimbawa nito ay ang pilotong sa halip
na maglanding sa Cebu ay piniling maglanding sa Samar sa pamamagitan ng
2degrees na pagbabago sa kanyang ruta. Imagine 2degrees na kung titingnan mo ay
parang walang halaga. Katulad ng pageexercise ng 15 minutes araw araw, sa loob
ng isang taon, magugulat ka sa maaring pagbabagong mangyari sayo. There’s no
such thing as overnight success. Kung gusto mong magtagumpay sa buhay, maliit
man o malaking pagbabago, maghintay ka lamang na makita ang epekto nito,
sigurado akong your wait is all worth it.
4.
Courage
Hindi mawawala ang takot at pangamba sa twing may mga bagong
pangyayari sa buhay natin. Subalit mahalagang alam mo paano iovercome ito.
Hindi mo mararating ang gusto mong buhay kung palagi kn lng takot sumubok ng
mga bagay na hindi ka pamilyar. Step out of your comfort zone at magugulat ka
sa mga magagandang bagay na maaaring mangyari sau. Makakatulong kasi ito para
ibuild ang iyong creativity, magkaroon ng self-confidence at mas makilala mo pa
ang iyong sarili na hindi mo magagawa kung nsa comfort zone ka lang.
A ship in a harbor is safe, but that is not what ships are built for. – Albert Einstein
5. Positive Mindset
Darating sa buhay mo na manlulumo ka, mawawalan ng motivation to do things, at kapag nangyari ang mga yun, piliin mo pa ding maging postibo. Look at the silver lining. Bakit nangyayari ang mga bagay, ano ang purpose nito at ano ang tinuturo nito sa buhay natin. Ang pagkakaroon ng positive mindset ay makakatulong sau sa mga pagkakataong ito na magkaroon ng malinaw at positibong pagiisip na gawin ang mga mabubuting bagay para malutas ang mga problemang kinakaharap.
6.
Your Willingness to Learn
Hindi natatapos ang pagaaral sa paaralan. Everyday is a learning
opportunity. Mahalagang tanggap mo na hindi ka perpekto at marami ka pang hindi
alam. Isa sa mga key behaviours ang willingness to learn para magtagumpay sa
buhay, personal man yan o professional. Ito yung pagiging open mo sa mga bagong
experience, skills, information na makakatulong sau para magimprove. Tingnan
kung ano ang mga natutunan mo noon na nagagamit mo ngaun. If you continue to
learn, mas malawak ang opportunities na meron ka.
7.
Focus
Kapag may specific goal ka, mahalagang may focus ka. Lahat ng mga
bagay na ginagawa mo nagyon o bukas ay dapat naka-align sa kung ano ang goal
mo. Pag nawala ka sa focus maaring maiba din ang goal mo at madalas,
nagkakaroon tau ng inconsistency sa goals natin hanggang sa napakarami na pala
nating goals at ni isa ay wala man lng taung naabot. Don’t overwhelm yourself
sa napakaraming bagay na gusto mong marating. Iisa lang ang ating katawan at
mayroon lamang taung 24 oras sa isang araw. Maging realistic sa kung ano ang
kaya mo at ang limitasyon mo.
Ang bawat tagumpay ay nangangailan ng pagsisikap, at ang
mabubuting bagay ay makakamit lamang ng mga taong tunay na pursigido sa buhay.
Kung sa taong 2022 ay hindi natin ibinigay ang ating full potential, sana sa
taong 2023 ay magkaroon tau ng panibagong pag-asa na mabago ang ating buhay for
the better.
Add your comment