Napakabilis ng oras. Napakabilis ng buhay. At dahil sa bilis ng mga pangyayari madalas natututunan natin ang mga aral ng buhay sa pamamagitan ng mga karanasan at minsan pa, we learned them the hard way. Ito ang pinakamahirap na paraan para matuto dahil madalas ito din ay nakakaapekto sa ating pagkatao at paano natin tinitingnan ang mga bagay sa ating buhay. Kung maari nga lamang na matutunan na sila bago pa mangyari ang mga ito ay siguradong mas masaya sana ang buhay. Subalit dahil impossible itong mangyari dahil nga walang pagsisi na nauuna, alamin natin ang mga walong bagay na huli na lamang natin natutunan. Baka maaaring maiwasan natin ang mga ganitong pagkakamali at matuto sa pagkakamali ng iba. Pero Isang bagay din na maaaring magturo sa’yo ngaun paano makaiwas sa ganitong pagkakataon ay ang paglike sa ating video. Subscribe with notifications on para wala kang mamiss out sa mga bago nating uploads, at sinisigurado ko saung hindi mo ito pagsisisihan sa huli. Ngayon kung ready kn, let’s get started.
This moment is your life. – Ngayon, habang pinapanuod mo tong videong to, ito ang buhay mo. Ang buhay mo ay hindi ung kung kelan ka pinanganak at kung kelan ka mamamatay. Ang buhay mo ay itong moment na to at ang kasunod mong hiniga. Ang present, ito at ngayon ang natatanging buhay mo. I can’t emphasize enough kung gaano kahalaga ang moment na ‘to pero isang bagay ang gusto kong isaisip mo. Live each moment in full, maging Mabuting tao, maging payapa at wag matakot sa hinaharap. Hindi tiyak ang kinabukasan. No one is promised tomorrow. Kung hindi mo pahahalagahan ang kasalukuyang meron ka, paano kung wala ka nang bukas? Isang libro ang nais kong bigyan mo ng oras, ito ay ang The Power of Now. Dito matutunan mo kung paano pahalagahan ang present mo, na magbibigay sau ng pag-asa para sa hinaharap.
A lifetime isn’t very long. – Ito ang buhay mo, ipaglaban mo ito. Marahil hindi mo to naiintindihan kung isa ka sa mga taong hindi pa nakaranas malagay sa bingit ng kamatayan. Yung akala mo’y katapusan mo na. Kung hindi mo pa ito nararanasan, ito lang masasabi ko sau, wag mong itake for granted ang bawat hininga mo dahil maaaring ngaun, someone is fighting for it. Sabihin sa mga mahal mo sa buhay kung gaano mo sila kamahal habang may pagkakataon ka pa dahil madalas, gustuhin man natin iparamdam sa kanila kung gaano natin sila kamahal, impossible na dahil wala na sila. Again, life isn’t very long.
The sacrifices you make today will pay dividends in the future. – Tunog investment ba? Maaari. Pero alam mo bang hindi lamang naman sa pera dapat nagiinvest. Maaari kang maginvest sa sarili mo, oras o pera, magaral ng mga bagong skills, magbasa ng libro, magaral ng business. Isang bagay na maaari mong itanong sa sarili mo ay “Willing ba akong mabuhay ng ilang taon na hindi sinusunod ang trend ng marami kundi sinusunod ang mga paraan ko to achieve my goal para mabuhay ng financially and stress free for the rest of my life? Sa buhay, kung gusto mong may marating, it takes time and commitment.
When you procrastinate, you become a slave to yesterday. Isa kang alipin ng kahapon kung ang mga bagay na dapat kahapon mo pa natapos ay ginagawa mo pa rin hanggang ngaun. Pero kung wala kang pinagpapaliban, lahat ng mga gagawin mo ngaun hanggang sa kinabukasan ay natapos mo na kahapon pa, magiging kaibigan mo ang kahapon dahil malaking bahagi ng iyong pasanin ngaun at bukas ay napawi na. Kaya gumawa ka ng mga bagay kung saan your future self will thank you for. Basahin ang 7 Habits of Highly Effective People.Failures are only lessons. – Ano pa nga ba ang maaari nating mapulot sa mga kabiguan natin sa buhay kundi aral lamang. Oo may sakit, sugat, pilat, pero tandaan mong mahalagang natututo ka sa mga yan. Wag mong sayangin ang oras mo pagtatanong kung bakit nangyayari ang mga masasakit na bagay sa buhay mo bagkus isipin mo kung ano ang aral na napulot mo mula rito.
You are your most important relationship. – Masarap sa pakiramdam kung masaya ka sa sarili mo. Pero mahirap itong iachieve lalo na kung marami tayong insecurities. Ang mga insecurities ay nagsisimula sa pakikinig sa opinion ng ibang tao patungkol sa ating sarili. Ito yung kapag hinayaan natin silang diktahan tayo kung sino at ano tayo. Mahalagang ang relasyon mo sa sarili mo ay hindi nakapende sa kung ano ang sinasabi ng mga nakapaligid sayo, community mo at maging ang kultura. Tanggapin mo kung sino ka and never seek validation from other people. At the end of the day, hindi ka nila binabayaran para diktahan kung ano ang dapat mong maramdaman, isipin, ikilos o sabihin. You are your greatest relationship.
Small acts of kindness can make the world a better place. – Hindi kabawasan ng pagkatao ang simpleng ngiti, hi, or good morning! In fact, nakakadagdag pa nga ito ng magandang mood hindi lamang sau kundi maging sa receiver nito. Habang may mga nilalang sa paligid, kapwa tao o hayop, there’s always an opportunity na maging Mabuti. Subukan mong wag magreklamo sa isang linggo, maging thankful ka lng araw araw at be positive. Magugulat ka sa mga pagbabagong maaaring mangyari sau. Basahin ang Way of the Peaceful Warrior.
Behind every beautiful life, there has been pain. – Alam mo bang ang diamond ay nagdaan sa napakaraming pressure sa napakahabang panahon bago pa naging isang makinang na diamante? Kung hindi ka mapepressure sa ngaun, paano ka kikinang sa future? Maging ang pearl ay nagmula sa irritations ng nature sa katawan ng mollusk. Sa halip na sumuko, ginagawa nya itong isang magandang bagay na higit na valuable para sa mga tao. Hindi perperkto ang buhay tulad ng mga napapanood mo sa TV or nakikita mo sa social media. Bawat tagumpay ng mga taong hinahangaan mo ay nagmula sa pagod, hirap at sakit para makamit ito. Kaya kung nahihirapan ka ngaun, that is the pressure na dapat mong pagtagumpayan.
Kung magiging aware ka sa walong bagay na ating nabanggit, sinisigurado ko saung wala o mababawasan ang mga pagsisihan mo sa huli. In summary, ang walong bagay na huli na natin natutunan ay:
This moment is your life.
A lifetime isn’t very long.
The sacrifices you make today will pay dividends in the future.
When you procrastinate, you become a slave to yesterday.
Failures are only lessons.
You are your most important relationship.
Small acts of kindness can make the world a better place.
Behind every beautiful life, there has been pain.
Add your comment