Ang pagiging financially stress ay isa sa pinakatalamak na uri ng stress hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Isang malaking bahagi ng pagiging adult ang pagmamanage ng pera at madalas kapag hindi tau marunong jan, pakiramdam natin ay wala ng iba pang matino sa buhay natin. Pero ano nga ba ang financial stress? Paano natin ito maiiwasan? May paraan ba para hindi natin ito maranasan?
Ayon sa betterup.com, ang financial stress is
a state of worry, anxiety, or emotional tension related to money, debt, and
upcoming or current expenses. Money is one of the most universal sources of
stress.
Ano naman ang mga sintomas na nakakaranas
ka nito?
Ang mga sintomas ng financial stress ay halos katulad ng normal na anxiety at kaya nitong baguhin ang mga paraan kung paano tau nagiisip, at mga nararamdaman natin patungkol sa pera. Kaya kung nararanasan mo ang ilan sa mga ito, ibig sabihin, naaapektuhan na ng financial problems ang buhay mo. Ito ay ang mga sumusunod:
- Nahihirapang huminga at kinakabahan twing naiisip mo ang pera
- Umiiwas ka sa mga tawag sa cellphone mo, emails at iba pang contact medium ng mga collections agency
- Hindi ka din umaattend ng mga gatherings at umiiwas ka sa mga kaibigan
- Hiyang-hiya ka
- Pakiramdam mo’y wala kang disiplina at pinagsisihan lahat ng mga nabibili mo
- Mabilis kang mainis sa mga taong involved sa iyong finances tulad ng kapamilya na dapat ay kashare mo sa mga expenses mo o boss mo na ayaw kang bigyan ng increase
- Worry at kawalang pag-asa para sa future mo
Kung ang isa man o ang lahat ng yan ay
nararanasan mo ngaun, wag mawalan ng pag-asa. Dahil ibabahagi ko din sa’yo
ngaun ang apat na paraan paano mo malampasan ang stress sa pera.
Kalmahin ang sarili.
Hindi mo mababago ang sitwasyon sa loob lamang ng isa o dalawang minuto pero maaari mong mabago ang pananaw mo sa buhay at maging ang iyong stress level kung kakalma ka. Maaring magmeryenda ka muna ng paborito mong turon, magkape ka, uminom ng tubig o maaari mong ishare ang iyong financial worry sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan. Aliwin mo ang iyong sarili at magugulat ka sa magiging takbo ng isip mo pagkatapos mong kumalma.
Magplano
Iniiwasan natin ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng financial stress tulad ng mga gastusin, pagsilip sa iyong bank account, at iba pang may kinalaman sa pera. Pero ang isang paraan para makausad ka ay ang tingnan ang iyong personal finance. Paano mo ba minamanage ang iyong pera? Subukan mong iidentify kung saan nanggagaling ang financial stress mo. Ito ba ay ang zero balance sa bank account, utang sa credit card, takot mawalan ng trabaho o malaking pagkakagastusan sa hinaharap? Ano ang maaari mong gawin para mamanage ang isang bagay na yun?
Ask for support
May kaibigan ka bang magaling sa pera? Magaling magbudget? Tanungin mo sila ng kanilang best practices. O kung nahihiya ka naman, maaari kang magbasa ng mga blogs, bisitahin mo na rin ang iba pa nating blogposts kung saan marami kang matutunan paano imanage ang iyong finances. Manuod din ng mga contents tulad nito, o maghanap ng mga taong makakatulong saung makahanap ng extrang mapagkakakitaan.
Practice Mindfulness
Dalawang bagay lamang ang dapat mong
tandaan pagdating sa financial stress. Yan ay ang financial at stress. Kung
ikaw ay magyoyoga, kakalma, magmemeditate, magdivert ng atensyon sa ibang
bagay, maaari mong maiwasan ang pagiisip ng sobra na nagkocause ng stress and
anxiety. Nakakatulong din ito para mamanage mo ang iyong emosyon at maimprove
ang iyong decision making skill para hindi ka maoverwhelmed sa iyong mga
gastusin.
Tulad nga ng nabanggit, ang mindfulness, self awareness at support system ay nakakatulong para malampasan mo ang financial stress, ang pagpaplano at pagiwas naman ay makakatulong para hindi mo maranasan ang mga ito. Ilan pa sa mga paraan para maiwasan mo ang financial stress ay:
1. Budget
Common advice na ito at hindi lang ako ang nagsasabing magbudget ka para kontrolado mo ang finances mo. Hindi mo kailangang bumili ng planner, simpleng notebook lang at isulat ang mga bayarin at mga gastusan. Gawing habit na tingnan ang iyong cash flow. Magkano ang income mo at saan ito napupunta.
2. Bawasan ang Expenses
Kapag naisulat mo na ang mga gastusan mo, tingnan kung ano ang maaari mong icutdown. Mga subscription mo sa spotify, Netflix, disneyplus, o internet speed baka pwedeng idowngrade. Mga bagay na hindi mo naman madalas ginagamit o hindi naman talaga necessity.
3. Maghanap ng Extra Income
Sa negosyo may dalawang paraan lamang para kumita. Cut expenses or increase revenue. Kung kanina binawasan mo ang mga palabas na pera, ngaun naman ay subukang dadagdagan ang mga papasok. Baka pwede kang magovertime, maghanap ng part time job, magumpisa ng small business, o magfreelance. Maging realistic ka din sa oras mo, tumanggap ka lamang ng trabahong kaya mo na hindi nakocompromise ang health mo.
4. Emergency Fund
Kung wala kang emergency fund, maaari kang magkautang kahit napakaliit lamang ng emergency. Kung wala ka nito, hindi mawawala ang financial stress mo dahil matatakot ka araw araw sa mga maliliit na sitwasyong maglalagay sau sa alanganing posisyon dahil hindi ka handa.
5. Mag-umpisa sa Maliit
Dahil ayaw mo ng financial stress, go big ka kaagad. Ang ginawa mo nagsave ka kaagad ng 50% ng sahod mo. Ang ending, nagipit ka at nagalaw mo pa din ang itinabi mo. Alamin mo kung ano ang limitasyon mo, magsimula ka sa 3% of your income, hanggang sa susunod, gawin mong 5%, and so on. Start small and be consistent.
6. Go Easy on Yourself
Nagbibigay ng mga negatibong emosyon ang pagkakaroon ng stress sa pera. Madalas nahihiya tau, naiinsecure, naiinggit, at naku-question pa natin ang ating self-worth. Wag mong hayaang magdwell ka sa mga emosyong ating nabanggit. Maging open ka at compassionate sa kung ano ang maaaring mangyari habang natuto kang imanage ang iyong finances. Wag madiscourage sa mga maling desisyon mo o mga biglaang gastos kundi matuto ka mula dito.
Add your comment