Salapi, Pera, kwarta, ano pa man ang tawag natin sa bagay na yan, pare-pareho lng din ang kahulugan currency, happiness ng iba, satisfaction naman sa iba. Sau, ano ang kahulugan ng pera? Ginhawa, pangarap, let us know in the comment below.
Ngayon ay pagusapan natin ang sampung prinsipyo ng makalumang Pilipino patungkol sa pera na madalas kung isa ka sa mga naniniwala tungkol dito, isa yan sa pumipigil sa’yong pag-asenso. Pero bago ko simulan, welcome and welcome back to Filipino Success. Pakilike ng ating video para matulungan mo ang ating channel to reach more people. Magsubscribe kn din with notifications on para wala kang mamissout sa mga bago nating uploads. Kaya naman wala ng paligoy-ligoy pa, umpisahan na natin.
1. Money is Evil: Ang paniniwalang sa pera nagsisimula ang mga masasamang gawain ang isa sa pinakamaling bagay na dapat mong alisin sa’yong isip. Walang kinalaman ang pera sa iyong values at kung paano ka lumalaban sa hamon ng buhay araw araw. Sa paniniwala kcng ito, pinipigilan natin ang ating sarili na magsumikap pa para marating ang financial freedom dahil na rin sa kaisipang kapag yumaman ka, magbabago ka na, sasama na ang iyong ugali, magiging madamot ka na, at kung anu ano pang mga prejudice patungkol sa mga mayayaman. Tandaan natin na ang pera ay maaaring gamitin sa masama o mabuti. Ito ay nakapadepende sa kung sino ang naghahandle nito. Hindi baga pagdami ng pera mo ay pagdami din ng opportunity mong gumawa ng mabuti? Wag mong hayaang ang salita ng mga taong naiinggit sau, na magbabago kn kapag yumaman ka, ang magdikta ng kung ano ang future mo. Nagsisimula ang mga masasamang bagay sa kawalan ng pera, hindi sa mismong pera.
2. Rich People are Greedy: Ang paniniwalang ang mga mayayamang tao, kaya yumaman ay dahil gahaman sila, ang isa din sa pumipigil sa atin para magsumikap. Takot kc tayong mahusgahan na gahaman tau o mukhang pera tau kaya sa halip na piliin mong yumaman, nakokontento kn lng sa kung anong meron ka ngaun. Eh ano kung husgahan ka, ang mahalaga ay alam mong lumalaban ka ng patas tulad ng mga mayayamang taong hinuhusgahan din nila. Hindi lahat ng mayayaman ay gahaman, karamihan sa kanila ay nagtyaga at nagsumikap para marating kung saan sila ngaun. Wag mong hayaang ang kaisipang ito ang sumira sa mga goals mo sa buhay.
3. You Have to Be Born Rich: Ipinanganak ka ba ng may gintong kutsara sa bibig? So ibig sabihin mamamatay ka na ding mayaman? Ang tagumpay ng isang tao ay hindi nasusukat sa kung gaano kayaman ang kanyang pamilya. Ito pa din ay nakadepende sa kanyang sariling pagsisikap kaya nga may mga nababalitaan taung nababankrupt dba? Kasi nga hindi panghabang buhay ang yaman ng isang pamilya o isang indibidwal at lahat tau ay may karapatang umasenso, mahirap o mayaman man ang iyong pinagmulan. Napakaraming mayayamang tao ang nagsimula sa mahirap na angkan pero dahil sa kanilang pagsisikap, sila ay umasenso. Hwag nating gawing excuse na kaya ang iba ay mayaman ay dahil sa ipinanganak silang mayaman. Si Josh Mojita mula sa Medez, Cavite sa edad na 17 years old ay naging milyonaryo dahil sa negosyong Kangkong Chips. Mayaman ba ang kanyang pamilya? Hindi. Ipinanganak ba syang may gintong kutsara sa bibig? Hindi rin. Enough with our excuses at magsumikap na umasenso.
4. You Have to Be a Risk Taker: Kailangan daw risk taker ka para umasenso. Kailangan hindi ka takot sumbok kung gusto mong magtagumpay. So ibig bang sabihin nito kung mahina ang loob ko o hindi ako risk taker dahil extra careful ako sa lahat ng pinapasok kong investment, hindi na ako yayaman? Yan ang mga tanong na madalas pumipigil din sa ating pag asenso. Maaari ka pa ding yumaman khit na mahina ang loob mo dahil alam mo bang may mga low risk investment naman. Tulad ng Pagibig MP2 o mga time deposits. Mga investment na maliit lamang ang kita sa loob ng mahabang panahon at hindi high risk. Oo maaari kp din yumaman khit mahina ang loob mo sa pamamagitan ng pagiipon at paglagay ng naipong pera sa mga low risk investment. Maaari mo din itong gamitin sa mga negosyong sigurado ang kita tulad ng apartments, grocery store at iba pang low risk businesses. Lahat may risk, ang sukatan lamang nito ay kung hanggang saan ang kaya mong itolerate. And just because hindi ka risk taker ay hindi kn aasenso. Hindi lamang sa risk nakukuha ang tagumpay, marami pang paraan.
5. Saving is Enough: Ang paniniwalang ipon lang ay sapat na para yumaman ang isa sa mga pumipigil sau para magtagumpay. Alam mo bang kapag nag-ipon ka ng 10,000 kada buwan, sa loob ng isang taon 120,000 lamang ang ipon mo. Kung sakaling magkasakit ka, kulang pa ang 120,000 pampaospital hindi ba? Kung ang pagbabasehan lamang natin ay ang ipon para umasenso, buong buhay natin gugugulin na lamang natin ito sa pagiipon. Mahalagang hakbang ang pagiipon para magtagumpay, pero kapag sinabayan mo ito ng diskarte at talino, ang kakaonting ipon ay maaaring domoble depende sa lakas ng loob mong iallocate ito sa iba’t ibang investments.
6. You Can Get Rich Quick: Mahilig tayo sa get rich quick, mga online gambling, networking, at maging ang lottery. Lahat ay may wishful thinking na manalo, na magkaroon ng himala. Pero alam mo bang mas mataas pa ang posibilidad na tamaan ka ng kidlat kesa manalo ka sa lotto o magtagumpay sa mga mabilisang pagyaman? Lagi nating tandaan na easy come, easy go. Kung mabilis mo itong nakuha, hindi pinaghirapan at pinagaksayahan ng panahon, malamang sa malamang mabilis din itong mawawala sa’yo. Ang pagbuild ng yaman ay nangangailangan ng oras, mahabang oras at effort, walang shortcut dito dahil along the process, ito yung learning opportunity natin at kapag na-skip mo ang prosesong ito, mahirap matuto sa pagkakamali. Be patient and you’ll get there.
7. You Don't Need a Budget: Paano ka nga daw magbabudget kung kapos ang iyong kinikita, kung hindi sapat para sa lahat ng pangangailangan mo. Kaya kadalasan, que sera, sera na lng, o ung whatever will be, will be. Kung gusto mong umasenso sa buhay, ang budgeting ang una sa dapat mong mamaster. Bakit kamo? Ang budgeting kasi ay isang mahalagang tool para maidentify mo kung saan napupunta ang pera mo. Makikita mo kung ano ang mga mahahalagang pangangailangan ang pinupuntahan nito at ano ang mga maaari mong ieliminate. Sanay kc taung mga Pilipino na kung ano ang nsa bulsa, yun ang gagastahin, hindi tau nagpaplano kung saan dapat napupunta ang ating income kaya ang ending madalas taung kinakapos dahil mas madalas taung gumagastos sa mga hindi naman kailangan.
8. You Don't Need to Learn About Money: Ayon sa investopedia, ang kaalamang pinansyal ay ang abilidad o kakayanan mong maunawaan at epektibong magamit ang iba’t ibang skills na may kinalaman sa pera tulad ng budgeting, investing, savings at marami pang iba. Nakakatulong din ito para maidentify mo kung ano ang pinagkaiba ng potential scam sa totoong investment. Kaya nga maraming naiiscam na mga kababayan natin dba? Kc bukod sa kakulangan sa kaalaman patungkol sa paghandle ng pera, nakapakadefensive din natin na sadyang magagaling lang talaga ang mga scammers. So ibig bang sabihin nito ay ok lng sau na magtrabaho at magipon ng pera para sa huli ay ibigay lamang sa magagaling na scammers? Syempre hindi. Kaya ngayon pa lng ay maglaan ka na ng oras para pagaralan ang mga bagay bagay patungkol sa pera o sa ibang salita, ang Financial Literacy.
9. Debt is Always Bad: Tulad nga ng nabanggit ko sa previous video natin, hindi masama ang utang kung gagamitin mo ‘to sa pagpapaunlad ng kasalukuyan mong estado sa buhay. Pero kung mangungutang ka para lamang bumili ng bagong cellphone o anumang upgrade sa mga gadgets na gusto mo, na hindi maggegenerate ng income, wag mo ng ituloy. Dahil kc sa constant upgrades ng technology, hindi mo pa nababayaran ang utang mo, may bago na namang usong lalabas, at kailanman kung ito ang buhay na gusto mong tahakin ay sigurado akong matatrap ka lng sa trend. Dahil ang trend is constantly changing. Kaya kung hindi mo afford, wag mangutang. Kung walang income mula rito, wag din mangutang para bilhin ito.
10. You Have to be Rich to Invest: Ito yung kaisipan na , kaya hindi ako nagiinvest kc hindi naman ako mayaman. Kilala mo ba si Ronald Read? Si Ronald Read ay isang gas station attendant at janitor na nakapagipon ng mahigit kumulang $8M bago sya nagretire. Hindi sya mayaman at kakaonti lang din ang sinasahod, kumbaga minimum wage earner lang sya, pero hindi ito naging hadlang para makapaginvest at eventually nga ay mapalago ang kanyang pera to a whopping $8M. Ang ideyang kailangan mayaman ka para magapaginvest ay isa sa mga excuses natin para mapagtakpan ang ating poor money mindset. Wag mong hayaang mamuhay ka sa excuses instead of actions.
Sa sampung ito, alin dito ang madalas mong naririnig at alin dito ang naging prinsipyo mo na?
Add your comment